
Tulong at Sulong Magsasakang Culion
Dahil sa Patuloy na pakikipag-ugnayan ni Mayor V sa ating Pangulong Rodrigo Duterte ay nabigyan ng ayuda ang kabuuhang bilang na 519 na request ng ating Lokal na Pamahalaan para sa ating mahihirap na magsasaka na naging biktima ng El Niño noong taong 2019. Sa pakikipagtulungan ng Municipal Agriculture Office (MAO) at ng Municipal Social and Welfare Department (MSWD) ay nangyari ang unang pagbibigay sa 16 nating magsasaka ng cash at bigas at 203 bilang naman ang nabigyan lamang ng bigas noong Disyembre 2019.
At nito lamang Oktubre ay muling sumulat at nakipag-ugnayan si Mayor V sa Pangulong Duterte at agaran namang tinugunan ng kanilang tanggapan. Dahil dito ngayong Pebrero 17-18 taong 2020 ang kabuuhang bilang na 503 ay mabibigyan ng pangalawa payout ng cash for work at rice subsidy. Ang 300 na bilang ng ating mga magsasaka ang makakatanggap ng cash at bigas at 203 naman ang makakatanggap lamang ng cash sa 9 na apektadong mga barangay sa Osmeña, Binudac, Halsey, Carabao, Patag, Galoc, Luac, Baldat at Burabod para sa kanilang mabilisang pagbangon at panibagong simula sa buhay.