Dalawampung (20) benepisyaryo ang tumanggap ng libreng bangka sa ilalim ng Baruto Katutubo Livelihood Program, na isinagawa noong Oktubre 19, 2026, sa Balala Boat Landing, Culion, Palawan.

Ang programang ito ay bahagi ng Programang Malasakit ni Mayor Cesar “Oyet” M. De Vera Jr., katuwang si Vice Mayor Ma. Virginia N. De Vera at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Culion.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Mayor Oyet ang mga benepisyaryo na gamitin ang tulong na kanilang natanggap sa paghahanapbuhay at pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan. Nagpasalamat din siya sa Sangguniang Bayan sa pakikipagtulungan upang maisakatuparan ang programa.

Sa pamamagitan ng pamamahaging ito, layuning mabigyan ang mga benepisyaryo ng karagdagang suporta at oportunidad upang mapaunlad ang kanilang hanapbuhay.

Hatid Bangka, Hatid Kabuhayan—para sa mas maraming oportunidad sa paghahanapbuhay!

#UmaandarAngMalasakit #HatidBangkaHatidKabuhayan #BarutoKatutuboLivelihoodProgram #ProgramangMalasakit #LGUCulion #CulionPalawan #TatakMayorO #TatakFirstClass #AbanteCulion