Skip to main content

UPDATES PROGRAMANG PANGKALUSUGAN HANDOG NI MAYOR V PARA SA MGA BATA

TINGNAN:
UPDATES PROGRAMANG PANGKALUSUGAN HANDOG NI MAYOR V PARA SA MGA BATA
Nito lamang February 16, 2022, araw ng Miyerkules ay agarang nasimulan ang pamamahagi ng gatas at diaper na may benepisyaryong 230 na bata sa Barangays Poblacion. Ito ay maayos na naipamahagi sa pangunguna ng ating Punong bayan, Mayor V kasama ang Sangguniang Bayan Members at ang Malasakit team. Prayoridad ng Programa ng administrasyong De Vera na mabigyan ng importansya ang kalusugan ng mga bata higit na sa banta ng Omicron variant na possibleng manalasa sa ating bayan. Dahil ang administrasyon ay patuloy na naniniwala na ang kalusugan ay kayamanan ng bawat isa.
Patuloy ang administrasyon ni Mayor V at ang Programang Malasakit sa paghahatid ng ligaya’t saya sa ating mga kababayan na lubos na nangangailangan higit na sa panahong ito ng pandemya.
#TatakMayorV
#IHEALCULION
#WakasanAngMalnutrisyon
#ProgramangMayMalasakitParaSaKalusugan
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan