Skip to main content

Volunteer Health Workers

#HilomCulion
Ang mga Volunteer Health Workers. Sa unang tingin aakalain nyong sila ay mga ordinaryong mamamayan. Sila po ang mga taong araw-araw ay naglilibot sa kani-kanilang barangay upang magbigay ng serbisyong pangkalusugan. Mga taong hindi alintana ang init ng araw o lakas ng ulan makapag hatid lamang ng pangunahing lunas sa mga nangangailangan pangkalusugan. Sa kakaunting insentibo na kanilang natatanggap, na madalas ay hindi sapat sa pang-araw-araw nilang gastusin, mas pinipili pa rin nila ang ganitong uri ng buhay. Sapagkat para sa kanila ang pagiging Volunteer health worker ay hindi isang trabaho, kundi isang bokasyon. Kaya sa aming mga kaagapay sa pagbibigay ng serbisyong medical sa kanikanilang bayan saludo po kami sa inyo! Truly the unsung heroes of this country.

Salamat Doc Israel H. Zantua
#bcclvhwconvention #mgabayani
#palawan #busuanga #coron #culion #linapacan

#AbanteCulion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan