Skip to main content

WEEKLY MONITORING OF CLIENT DROP BOX PER OFFICE

ALAM MO BA?

Sa maigting na kampanya ng Lokal na Pamahalaan ng Culion ukol sa “BAWAL ANG MASUNGIT, DAPAT MAY MALASAKIT” Policy, linggu-linggong minomonitor ng Opisina ng Human Resource Management ang bawat Client Drop Box ng mga Opisina sa pamamagitan ng Weekly Monitoring Report na isinusumite sa Administrator’s Office. Ito ay layong masiguro na ang mga kliyente ng ahensya ay nakatatanggap ng maayos na serbisyo-publiko mula sa mga kawani nito.

Isa din sa hangarin nito ay mabigyan ng pagkilala at karangalan ang mga kawani na nakatatanggap ng excellent feedback mula sa kanilang mga kliyente.

Maliban sa mga feedback forms at client drop box ng bawat opisina, ang opisyal na Facebook Page ng HRMO – HRMO Culion at HR Hotline – 0969- 097-2114, ay tumatanggap din ng mga sumbong at pagkilala ukol sa binigay na serbisyo ng mga kawani nito.

#hrmoculion
#AbanteCulion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan