Skip to main content

WOMEN’S MONTH CELEBRATION UPDATE: MAYOR V NAG KALOOB NG P30,000 SA KABABAIHAN NG GALOC!

Ang buwan ng Marso ay buwan ng pagkilala sa mga mga nakakabilib na pagganap sa ating lipunan ng mga simpleng Juana kahit sa panahon ng pandemya. Sa pag papatuloy na pag- iikot ng ating mahal na Mayor Ma. Virginia N. De Vera kasama ang SB members.

Sa araw na ito nakadaupang palad ni Mayor V ang mg kababaihan mula sa Barangay Baldat, Luac at Galoc. Ang ganitong selebrasyon ay nagiging enteblado upang mapag usapan, maisangguni ang mga problema ng mga kababaihan at mabigyan ng sapat na atensyon at solusyon. Ito ay daan upang patuloy na palakasin ang bawat isa sa pagtutulungan. Ito ay pagbubukas sa usapin sa konkreto at makabuluhang hakbang tungo sa pagkakapantaypantay ano man ang kasarian.

Dahil sa “very good” ang naging performance ng Barangay Galoc sa kanilang livelihood na ipinagkaloob ng LGU, ang samahan ay nakatanggap ng insentibo (Php. 30,000.00) bilang karagdagang pondo. Hinikayat ng ating Punong Bayan ang mga samahan na mag balangkas ng proyektong pangkabuhayan na angkop sa komunidad upang ma pondohan ng lokal na pamahalaan para sa patuloy na pag abante.

#Women’sMonthCelebration

#AbanteJuana!

#AbanteCulion!

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan