Skip to main content

WOMEN’S MONTH CELEBRATION UPDATE: MAYOR V, NAGKALOOB NG ADDITIONAL Php50,000.00 SA MGA KABABAIHAN NG BARANGAY MALAKING PATAG!

Kahapon, araw ng Martes, ay personal na tumungo si Mayor Ma. Virginia Nakachi De Vera, sampu ng kanyang SB members sa Barangay Malaking Patag at Binudac, upang makipag arampang-ampang sa mga kababaihan, parte ng mga aktibidades sa selebrasyon ng National Women’s Month.

Labis ang katuwaan ni Mayor V nang makita ang “best practices” na ibinahagi ng mga kababaihan ng Brgy. Malaking Patag dahil sa kabila ng pandemya ay nagawa nilang mapalago ang ipanagkalaoob sa kanila ng LGU sa ilalim ng programang malasakit sa pangkabuhayan o Livelihood.

Mula sa 17 biik na umpisang inalagaan ay umabot na sa 48 biik ang naipamahagi sa ibat-ibang myembro ng kababaihan sa kanilang barangay at 20 pirasong biik naman dito ay ibinalik sa LGU na ipinamahagi naman sa mga karatig na barangay. Kaugnay nito, agad na binigyan ni Mayor V ng insentibo ang nasabing asosasyon na nagkakahalaga ng Php 50,000.00 bilang dagdag puhunan.

Pinarangalan din ni Mayor V ang asosasyon ng mga kababaihan sa Barangay Butnongan at Binudac Proper, sa magandang resulta ng livelihood na ipinamahagi sa mga ito.

Tunay ngang kayang-Kaya ng bawat Juana na labanan ang Pandemya!

#successtoryolivelihoodprogram

#LGUkaagapay

#programangmalasakitsakabuhayan

#workingmayor

#AbanteJuana!

#AbanteCulion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan