Skip to main content

WORLD PATIENT SAFETY DAY || September 17, 2023

Bilang pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga pasyente, pamilya, at tagapag-alaga sa kaligtasan ng pangangalagang pangkalusugan, ang Culion Municipal Health ang Nutrition Office ay nakikiisa sa taunang paggunita ng World Patient Safety Day ngayong ika-17 ng Setyembre.
Ngayong 2023, ang nasabing pagdiriwang ay may temang “Engaging patients for patient safety” at may slogan na “Elevate the voice of patients!”.
Layunin ng WPSD na isulong at paigtingin ang kamalayan ng publiko tungo sa aktibong pakikipag-ugnayan ng mga pasyente at kanilang mga pamilya sa tagapag-alaga at hikayatin na maging involved ang mga ito sa decision making para sa ligtas na pangangalangang pangkalusugan.
Sama-sama, i-ELEVATE natin ang BOSES NG MGA PASYENTE!
————————————————————————
In support of the special day, we’ve added some orange, the signature color of the awareness day, in the iconic CULION standee at the municipal ground. The standee will be be illuminated tonight echoing our support and commitment for the cause. 🟠
#WorldPatientSafetyDay #PatientSafetyDayPH #AbanteCulion

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan