
WPU-IEG WITH TANGGOL KALIKASAN PROJECT MONITORING IN CULION, PALAWAN!
PANOORIN: WPU-IEG WITH TANGGOL KALIKASAN PROJECT MONITORING IN CULION, PALAWAN!
Isang solusyon ang ginagawang pagmamalasakit ni Mayor V, sa usaping pang kalikasan kaakibat ang mga partners at mamamayan. Bilang adbokasiya na muling buksan at patatagin ang ating MPA Sanctuary at Bakhawan na manumbalik ang sigla at kabuhayan para sa ating pamilya.
Ang Tanggol Kalikasan ay nagbigay ng pondo katuwang ang Pamahalaang Lokal sa pagtatag ng Mangrove Nursery at Mangrove Out – Planting sa tulong ng BaFFa Association. Nagbigay din ng pondo na ginamit sa Assessment ng Binudac MPA at Workshop para sa pag buo ng MPA Management Plan.
Ang pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lokal, CFI at WPU ay naging aktibo pagdating sa teknikal na aspeto gaya ng pagsasagawa ng Coral Assessment at pagpapatuloy ng MPA Management Planning Workshop, Mentoring at Monitoring ng mga proyekto na pinunduhan ng Tanggol Kalikasan.
Gawin itong inspirasyon ng ating susunod na henerasyon na sila naman ang unang makikinabang.
#wpu/cfi/fishright/bantayculion
#tanggolkalikasan
#abanteculion